Vitalik Buterin about Ethereum

 

Sa isang VICE NEWS interview, ang imbentor ng Ethereum na si Vitalik Buterin ay ipinahayag ang kanyang opinyon tungkol sa bitcoin at iba pang cryptocurrencies pati nadin ang geopolitical na laban sa internet 3.0

Pinalaki sa Canada ng kanyang Russian na magulang, si Vitalik Buterin ang pinakamalaking celebrity sa blockchain movement. Nilikha niya Ethereum noon 21 tango gulang pa laming siya, ang kanyang cryptocurrency, at ito ay pangalawa lamang sa Bitcoin. Ang market cap ng Ethereum ay lumaki ng 10,000% none 2017 at nagkakahalaga ito ng humigit kumulang 60 Billion Dollars. Si Vitalik ay abala ngayon sa kanyang kampanya para mapag-igi ang kaalaman ng mga tao tungkol sa kanyang imbensiyon at ang potential nitong sa industriya ng Business Finance at gobiyerno.

Una sa lahat, natanong si Vitalik Buterin kung kelan niya unang narinig ang Bitcoin.

“Siguro, una ko itong narinig noong Pebrero taong 2011. Kinalaunan, may nakilala akong tao na inalok ako ng 5 bitcoin para sa boat artikulong maisusulat ko para sa kanyang bitcoin blog. Noong panahong iyon, ang Bitcoin ay nasa $0.8 At dahlia nadin isa akong batting high school student na walang pera, naisip ko na ang $1.5 na sahod kada orgs ay Malaki na”.

Si Buterin ay namangha sa potensiya ng Bitcoin at sa ideya na ang tao ay maaring magtulungan pang makagawa ng bago sistemang pang-pinansyal.

“Kumita ako ng 20 Bitcoins at ginastos ko ang 8.5 sa t-shirt, at naisip kong astig ito. Na lahat pala ito ay posibleng mangyari, at ang talagang nakakuha ng atensiyon ko ay ang ideyang maari pala talagang posible na ang mga tao ay magtulong tulong upang makagawa ng bago financial system. At ang ideyang ito ay talaga namang parang sobrang empowering para sakin”.

Tapos, tinanong din siya tungkol sa kanyang opinyon sa financial system na may kaakibat na utopian resemblance at alisin ang lahat ng luma at lumikha ng bago mula sa wala.

“Hindi naman parang pinagmamalabis ko ang mga bagay bagay o ano, ito lamang ay dahil sa simpleng pagiisip ko na noon, na sa tulad ng finance at iba pang bagay, parang mayroong mga tao na nasa taas na gumagawa ng mga bagay na ito, na kung Hindi dahil sa kanila, hindi posible mangyari ang mga bagay na iyon. At ngayon nga, mas naging halata na ang pera ay isa lamang bagay na ginagawa ng mga komunidad. Alam natin kung ang decentralized networks, nakakasiguro ako na narinig niyo na ang BitTorrent, at ang lahat ng iba’t-ibang file sharing networks tulad ng iba’t-ibang decentralized messaging systems. Itong grupo ng cypherpunks ay napaisip, Okay, lahat ng ito ay posibleng mangyari sa isang decentralized network, bakit hindi natin ito gawin sa pera?”

Pagkaraan, pinaliwanag din ni Vitalik Buterin kung paano mapipigilan ng Blockchain ang double spending na problema, ibig sabihin nito ay iiwasan ng mga tao magamit ang isang bitcoin ng maraming beses. Tulad ng ginagawa natin sa mga litrato o kanta, kung saan pwede natin itong i-send ng ilang beses sa internet, sa Bitcoin, ito ay imposible salamat sa Blockchain.

“Halimbawa, kung ako mayroon kangta and gusto ko tong i-send gamit ang isang decentralized network, pwede ko itong gawin. Okay lang iyon. Meron nako nung kanta, meron ka din. Ang pera ay iba dahil ito ay nangangailangan ng notion of memory. Kaya kung meron akong 100 digital dollars, bibigyan kita ng 100 digital dollars at gagawa ako ng iba pang transaksiyon na kamukha ng ating transaksiyon at sesendan ko din ito ng 100 digital dollars. I-publish ko ngayon ang parehas na transaksiyon ng magkasabay. Maliwanag na Hindi magtatagumpay ang parehas na transaksiyon. Kelangan mong magkaroon ng mekanismo na magbabantay ng mga kaganapan tulad ng pagsesend ko sayo ng $100, ng sa gayon, pagkatapos ng unang transaksiyon, malalaman ng systems na wala na sakin ang pera at nasa sa iyo na”.

Natanong din si Buterin na maglahad ng kanyang opinyon tungkol sa potensiyal ng kanyang nilikhang teknolohiya at kung bakit naniniwala siya na ito ay transformational at maaring mabago ang mundo.

“Dahil ito ay kumakatawan sa isang klase ng importanteng pagbabago sa mga pagpipilian natin para makisalamuha sa isa’t-isa. Gamit ang Bitcoin, Hindi mo na kakailanganin pa ang mga bangko para makapagpadala ng pera, ito ay mangyayari na lamang ng direkta peer-to-peer, at ang Ethereum ay pinapalawak pa lalo ito para maging digitally enforceable ang mga greements”.

Bago matapos, natanong si Buterin kung ano ang kanyang palagay ba niyang may sinisirang Siyang mundo dahil sa kanyan imbesyon ay maaring mawalan ng trabaho ang madaming tao, at ito ang kanyang naging sagot.

“Paano kung ang destroyer ng mga trabaho ang siya ding lilikha ng mas marami at mas maganda pang trabaho”

 

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement