Public-key cryptography. Source Getty
Public-key cryptography. Source Getty
Maligayang Pagbabalik sa Flash Learn, ang iyong lingguhang serye na tumatalakay sa Blockchain!

 

Nung nakaraang linggo, nagsimula tayong saliksikin ang teknikal na bahagi ng teknolohiyan ng Blockchain at tinalakay natin ang Hashing. Ngayong linggo naman ay ipagpapatuloy natin ang isa pang importanteng tungkulin o bahagi ng Blockchain – Publick-key cryptography o pampublikong susi ng kriptograpiya.

Tara na’t magsimula mga Blockheads!

 

Ano ang Cryptography o Kriptograpiya?

 

Ang Cryptography o kriptograpiya ay ang pagaaral at pag-gamit ng komunikasyong may seguridad, mga mensahing nakatago mula sa ibang tao o partido na mayroong lohikal o matematikal na functions.

Ang Cryptography ay maaring makitang ginagamit mula pa noong sinaunang panahon sa Ehipto o Egypt,  at ito ay ginamit mula pa noong panahon ni Julius Ceasar kung kailan Niya binago ang takbo ng mga bagay gamit ang kanyang imbensyong Ceasar Cipher, at noong ikalawang pandaigdigang digmaan, ang mga aleman o German ay tinago ang kanilang mensahe gamit ang makinang tinatawag na Enigma Machine.

Enigma, the coding machine
Enigma, the coding machine

Tuwing mag-encrypt, ang impormasyon ay nababago at nagiging cypher – isang klase ng text na kung iyong titignan ay parang walang ibig sabihin. Para mabasa ang orihinal na mensahe kelangan mong i-decrypt ang code gamit ang cipher key.

Ang modernong teknolohiya ngayon ay nagbibigay daan upang makagawa pa ng mas komplikadong ciphers at pati nadin magkaroon ng mas maiging cryptanalysis o ang siyensa ng pagbasag o pagresolba ng mga encryption. Gamit ang modernong mga computer, maari nating ma-encrypt di lamang ang mga text, kung di pati narin ang kahit anong klase ng digital information.

Ang mga algorithms  ay nakadisenyo sa paligid ng mga computational hardness assumptions. Ibig sabihin nito, na maaring mabasag ang isang decrypted information gamit ang lakas at tiyaga – iyong ilalagay ang iba’t ibang kombinasyon ng key hangga’t makuha mo ang Tamang key. Ngunit, pagiyong gagawin ang paraan na ito. Ilalagay ang lahat ng posibleng kombinasyon, ay kakain nang napakaraming oras at computational power. Isipin mo nalamang na ihalintulad ito sa 100 computer na gumagana ng 100 taon.

Ang mga kamaikalan na pagbabago sa industriya ng kriptograpiya ay sinasakop ang mga sumusunod: e-commerce, credit cards, messaging, password management, at marami pang iba. Ito ay isang bagay na halos araw-araw nating ginagamit ng lingid sa kaalaman natin.

 

Public-key cryptography

 

Sa Blockchain Technology, ang asymmetric encryption system, na tinatawag ding public key cryptography ay ginagamit.

Sa Public key Cryptography ang impormasyon ay nakatago sa dalawang keys – isang pampubliko at isang pribadong key. At ito ay naka-konekta gamit ang isang mathematical algorithm.

Public Key Cryptography. Source Twilio.

Public Key Cryptography. Source Twilio

Paano ito gumagana:
  • Si Alice ay nagdesisyon na magpadala ng mensahe kay Bob ng palihim. Si Alice ngayon ay i-encrypt ang mensahe gamit ang Pampublikong Key ni Bob, at kanya itong ipapadala ang mga datos. Kapag natanggap na ni Bob ang mga datos, kanya naman itong i-decrypt gamit ang kanyang pampribadong key, at makukuha niya ang orihinal na mensahe mula kay;
  • Wala ni-isa sa mga keys ang maaring maresolba kung ito ay iyong huhulaan.
  • Ang isang pampubliko key encryption ay maari lamang maresolba gamit ang kanyang kapares na pampribadong.
  • Walang sikretong hacking – kung ang mensaheng na-encode gamit ang pampublikong key ay nabago habang ito ay pinadadala, hindi na ito maaring mabuksan kahit pa gamitin ang kapares nitong pampribadong.
Isang simpleng halimbawa!

Ating isipin na ang pampublikong key ay katulad ng isang kahon na may lock, at gustong magsend ni Alice ng mga bagay kay Bob. Kukuhanin ni Alice ang kahong may lock mula kay Bob, at lalagyan niyo ito ng mga bagay ng taste niyang ipadala, at kanya itong isasara at i-lock. Ipapadala naman na ngayon ni Alice ang nakasaradong kahon kay Bob, at tanging you Bob ang makakapagbukas ng kahon gamit ang kanyang pribadong key.

Mayroong kamanghamanghang matematika sa likod ng asymmetrical cryptography, kung iyong nais malaman ito at gusto mong lalo pang patalasin ang iyong kaalaman, pumunta dito.

Sa mundo ng Blockchain:
  • Ang pampublikong key ay ang address ng digital wallet – kung saan maaring matago ang mga tokenized asset, digital currencies, at mga pribadong impormasyon. Para makatanggap ng pondo kelangan mong ibahagi ang iyong pampublikong susi sa sender o magpapadala.
  • Ang pampribadong key ay nagbibigay ng access para mabago ang mga laman ng digital wallet, at ito ay dapat iyong ilihim sa lahat at itagong mabuti.
  • Ang pinakamalaking panganib sa pampribadong key ay tayong mga tao. Dahil ang seguridad nito ay nakabase kung saan natin itatago at kung gaano natin ito iingatan.

Ang Public-key cryptography ay ang teknolohiya sa likod ng digital signatures, na siyang tumutulong upang malaman at matiyak ang pagkakakilanlan: ang mensahe ay naka-encode gamit ang pribadong key at ito chinecheck gamit ang pampublikong key ng sender.

Digital signatures
Digital signatures

 

Ang Public-key cryptography ay isa sa pangunahing tampok sa pagbibigay ng seguridad sa Blockchain, at tinitiyak nito ang mga walang kinalamang tao o institusyon ay hindi makikita o hindi magagalaw at mababago ang mga transaksyon at assets.

Samahan ulit kami sa susunod na linggo para madiskubre ang Smart Contracts dito sa Flash Learn!

 

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement