Ang Bitcoin ay isang desentralisadong Blockchain ledger na gumagamit ng peer-to-peer technology para makapag-operate ng walang sentral na awtoridad o bangko at nagmi-mina na siyang kelangan mag-maintain ng network.

Dahil ang Bitcoin ay isang digital at global money system, maaring magpadala o makatanggap ng pera saan mang sulok ng internet, kahit na sa taong di nila kilala o pinagkakatiwalaan. Ang perang ito ay pwedeng mapalit nang walang kahit anong link sa isang real identity. Ang mathematical field ng cryptography ay ang basis ng seguridad ng Bitcoin.

Ang pamamahala ng transaksiyon at pag-issue ng Bitcoins ay naisasagawa ng sama-sama ng network. Ang Bitcoin ay open-source, ang disenyo nito at data ay pwedeng ma-access ng publiko, walang nagmamay-ari o kumkontrol na nilalang sa Bitcoin at lahat ng tao ay pwedeng gumamit o sumali dito. Kahit na ang karamihan sa mga properties nito ay unique, ang Bitcoin ay mayroong madaming nakakamanghang gamit na hindi kayang gawin ng mga naunang payment system. Ang supply ng Bitcoin ay limitado lamang hanggang 21,000,000 coins.

 

 

Ano ang Full node

 

 

Ang full node ay isang klase ng program na nagche-check ng mga transaksiyon at blocks. Dinodownload ng full nodes ang bawat block at transaksiyon and ito ay chinecheck kung ito ay sumusunod sa Bitcoin’s consensus rules. Ang ilang halimbawa ng consensus rules: Ang mga transaksiyon ay mayroong dapat tamang signatura sa mga nagagastos na Bitcoin. Ang mga transaksiyon o blocks ay dapat nasa Tamang format. Sa loob ng isang blockchain, ang transaksiyon output ay di maaring madoble.

 

 

Ano ang Block?

 

Ang mga transaksiyon data ay permanenteng nare-record sa klase ng files na tinatawag na blocks. Ang mga blocks ay naayos sa isang linear sequence sa paglipas ng pahanon at ito ay tinatawag nating Blockchain. Sa madaling sabi, ang mga miners ang gumagawa ng consensus ng isang Blockchain. Ang full nodes ay kinakailangan para makalat ang impormasyong ito tungkol sa consensus sa lahat ng gustong gumamit ng Bitcoin. Ang miners ay mayroon ding fee (12.5 BTC (Bitcoin) sa bawat Block na nare-resolba), ang mga full nodes ay volunteers.

 

Ano ang Bitcoin Mining?

 

Isa sa mga pangkaraniwang analogy na ginagamit ng tao para sa Bitcoin ay ang paghahalintulad nito sa pagmimina ng ginto. Tulad ng nasabing mahal na klase ng metal, ito ay mayroon limitadong bilang lamang (21,000,000 na Bitcoin sa ngayon) at pagmas madami kang nilabas na Bitcoin, mas magiging mahirap makita o minahin ito.

 

Bukod doon, ang Bitcoin ay gumagana sa kakaibang paaran na talaga namang nakakamangha kapag ito ay iyong naintindihan. Ngunit mayroon lamang iilang nagmimina o grupo ng mga nagmimina na maaring makagawa ng isang block. Para ikaw ay makasabay sa mga malalaking institutsiyon na nagmimina, ang mga solo miners ay nagbibigay ng kanilang mining power sa mga mining pools na siyang pinagsama-samang miners. Pag ang isang block ay nagawa, ang pabuya o bayad nito ay hinahati sa mga miners na nagsama-sama at bina-base nadin ito sa kontribusyon na nagawa nang nagmina.

 

Ang mga bagong transaksiyon ay nadadagdag ng naka-batch tulad ng blocks bawat 10 minuto, at ang bawat block ay konektado sa mga nauna ng blocks. Talagang ang bawat node ay isang ledger na kelangan sa Bitcoin network para maaring makumpirma ang mga tamang transaksiyon at ito ay mabahagi sa buong mundo para nadin makasiguro na protektado ang network. Ang bawat transaksiyon ay naka-tago sa bawat node. At para ikaw ay maging taga-mina ng Blockchain, kelangan mong gumamit ng Full node.

 

Bitcoin mining farm.
Bitcoin mining farm.

 

Anonimity [Pagkawala ng katauhan o lagda]

 

Kung hindi pipiliin ng isang tao na idikit ang kanyang katauhan o pangalan sa isang bitcoin address, napakahirap sabihin kung sino ay nagma-may ari ng nasabing address. Ang Bitcoin ay hindi tinatandaan ang mga users pero isnisiguro nito na ang bawat address kung saan patungo o galing ang transaksiyon ay naka-track o save. Walang pisikal na presence ang Bitcoin, ito ay digital lamang, virtual, at kelangan mong magkaroon ng wallet para maari mong makontrol ang Bitcoin na meron ka.

 

Bitcoin wallet

 

Ang Bitcoin wallet ay koleksiyon ng private keys. Ang nasabing wallet ay nagbibigay ng madaling Paraan para iyong matandaan at makita ang lahat ng mga pampubliko o pampribadong address ng mga users. Dahil nadin ang mga addressay pseudo-anonymous, kahit na sino ay maaring magkaroon ng maraming address, kahit Ilan pa ang gustuhin nila. Ang pag-back-up naman ng isang wallet, ay tinitiyak na hindi mawawala ang Bitcoins. Ang Bitcoin wallets ay may dalawang importanteng keys: ang private key at ang public key

 

 

                              Public key

Ang Public key ay ang pinagsama-samang 26-35 alphanumeric characters na maaring ma-access ng kahit sinoman na nasa Bitcoin Ledger. Kahit Sino ay maating makita at mahanap ang ledger ng isang Bitcoin network, maari din nilang makita ang public keys at masilip kung Ilan ang Bitcoin na nasa loob ng bawat wallet. Ganito ang hitsura ng isang public key: 39TqSdRnj1ov4dUyeqyMQnQDYbqMNjrqJV

Private key

Kahit sino ay maaring makita ang Bitcoin wallet mo at ang laman nitong Bitcoins, ngunit para ito ay magamit nila upang magpadala o tumanggap ng Bitcoins, kinakelangan nila ang Private key. Ang private key ay pinagsama-samang 60 characters na parang ganito:

UB2312AjsUhsUaHsjKWkL1JjE9s1AgdXqfRKr7wxKJU76Gsy7yH4sGs892HgXBNqW71Q3mg1SnK1Gast&5shGfFsY62Kis9Uiw

Ang kombinasyon ng dalawang keys ang ginagamit para makapag-sign in ang mga Bitcoin holders at makapagtransaksyon at mapatunayan na sa kanila ang account na iyon.

 

Peer to peer

Ang mga Bitcoin transactions ay nangyayari araw-araw at oras-oras. Ang namamagitan sa mga regular na sistema natin tulad ng mga bangko o padalahan ay inalis sa Bitcoin network. Ang mga Bitcoin user ay kelangan lamang mag-sign in upang magamit at makapagpadala ng Bitcoin sa ibang tao. At oras na ang ledger ay updated sa Bitcoin network, ang transaksyon ay kumpleto at tapos na.

 

Public Ledger

 

Ang Bitcoin ledger ay ang record ng lahat ng Bitcoin transaksyon tulad ng isang pisikal na ledger, ang ledger na ito ay ang listahan ng lahat ng transaksyon, gayunpaman, ang Bitcoin Ledger ay decentralized at pinanatili ito sa buong mundo sa bawat node at ina-update ng mga Miners, gamit ang Blockchain.

 

Immutability at Shutdown Protection

 Ang Bitcoin Ledger ay kelanman hindi maaring mabago. Matapos ang isang Bitcoin transaksyon ay maberepika, ang cryptography ay sinsigurado na hindi ito mababago. Ang kopya ng isang ledger ay umiiral sa bawat miner’s node o computer. Kung susubukan mong i-hack, o putulin ang kuryente, or subukan pasabugin ang isang mining operation, o kahit na pa ang isang buong bansa, magkakaroon lamang ito ng maliit na epekto sa katatagan ng buong network sa kdahilanang lahat ng computers sa buong mundo ay nagmementena at naga-update ng ledger.

Pindutin ito upang makita ang real-time na presyo ng Bitcoin. [insert link]

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement