Consensus models
Consensus models

Maligayang Pagbabalik sa Flash Learn!

Ang iyong lingguhang dosis ng kaalaman ukol sa Blockchain.

 

Ngayong Linggo ating tatalakayin ang CONSENSUS Models. Ang mga Consensus Models ang isa sa importanteng bahagi ng teknolohiya ng Blockchain, na siyang tumitiyak na ang mga impormasyon ay nakatago sa mga ibinibihagi na ledger ay tama, totoo, at walang mali.

Para magkasundo ang isa’t-isa sa pagitan ng ilang  partido na kilala ang bawat isa ay maari talagang maging mahirap. Iyong isipin, na sa kapaligiran ng Blockchain mayroong libo libong miyembro na hindi kilala ang bawat isa na kelangang magkasundo sa kani-kaniyang transaksyon. Walang sentral na awtoridad na siyang reresolba sa mga pagtatalo. Kung kaya’t kelangan ng mga nodes na maghanap ng Paraan para makuha ang karaniwang katotohanan.

 

Ang Byzantine Generals Problem

 

Ang isa sa pinakapangunahing problema na ating kinakaharap pagdating sa pagdedesisyon sa pagitan ng magkakalayong partido ay Byzantine Generals Problem. Ating ipagpalagay na mayroong malaking hukbong Byzantine na siyang nakapalibot sa buong siyudad, at sila ay nagdedesisyon kung aatake ba sila o hindi. Mayroong mga heneral ang hukbong ito na nakabase sa mga siyudad na malayo sa isa’t-isa. Upang magkaroon ng maayos at mabisang resulta kinakailangan na karamihan sa heneral ay magkasundo kung sila ba’y aatake o hindi. Ang problemang ito ay napalala dahil sa mga tusong heneral na maaring magdesisyon laban sa karamihan, o magpadala ng iba’t-ibang rason sa mga ibang heneral na siyang lalong magpapagulo sa sitwasyon.

 

Kung atin itong ilalagay sa teknolohiya, ang mga heneral ay magiging mga Computer Nodes.

 

Image credit: Medium

Consensus Protocols

 

Ang Consesus Protocols ay nadisenyo upang makamit ang mga sumusunod:

  •  Makahanap ng paraan para makatanggap ng transaksyon
  • Maitalaga at maiayos ang kasalukuyang bersyon ng Blockchain bilang tama at totoo
  • Bigyang pabuya ang miyembro sa proseso ng pagdedesisyon
  • Iwasan ang isa o ilang partido na kontrolin, harangin at patagalin ang Blockchain

 Ang mga protocol na ito ay hanay ng mga patakaran at aksyon, na kinakailangan ng Block na Sundan upang matanggap ito. Nakadisenyo ang mga ito na mahirap gayahin, mahirap isagawa, o nangangailangan ito ng taya, at kasabay nito, kelangan din itong madaling mapatunayan sa mga miyembro. Ang mga Consensus Protocol ay nagbibigay din ng mga pabuya para nodes na siyang tumitingin at nagbeberipika ng mga transaksyon. Ito ay importante dahil nadin kelangan ng mga node na magkaroon ng kabayaran para sa computing power na kelangan para palakihin at paunlarin ang Blockchain.

Mga nakakahamak na aktor

 

Ang mga node ay kelangan magkasundo na pareho ang halaga ng mga datos, kahit na ang ibang miyembro ay di maasahan o di magagamit. Tara’t tumingin sa isang halimbawa nito pagdating sa Cryptocurrency! Ang isang node na may masamang hangarin ay gagastos ng Bitcoin, at kanilang tatangkain na baguhin ang ibang nodes na kanilang bersyon ng katotohonan: kung saan ang paggastos nila ay hindi nakalagda at wala. Ang mga node ay kelangan magdesisyon sa ganitong Kaso kung aling bersyon ng Blockchain ang totoo – kung ang paggastos nga ba ay naganap o hindi. Mayroon lamang isang masamang node na mayroon noong pekeng bersyon ng Blockchain kung saan ang paggastos ay hindi nangyari. Ang karamihan sa mga nodes ay nakikita na ang paggastos ay nangyaring tunay, at itong bersyon ng Blockchain ay titignan upang ma-check at tatanggapin ito bilang karaniwang katotohanan.

Maraming iba’t-ibang Consensus Models na ginagamit sa Blockchain applications na siyang nagiiba-iba sa paraan, bisa, bilas at seguridad. Mas marami pang darating na Consensus Protocols na siyang dinedevelop kasalukuyan, at habang ang mga gumagawa nito ay nakatuon sa paghahanap ng mas mabisang paraan upang makamit ang kasunduan sa pagitan ng mga partido sa Blockchain.

Sa susunod na linggo ating tatalakayin at pagkukumparahin ang tatlo sa pinakakaraniwang Consensus Models: Proof of work, Proof of Stake, at Byzantine Fault Tolerance.

 Manatiling nakaantabay at sumali ulit samin sa susunod na linggo dito sa Flash Learn!

 

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement