Blockchain Hashing
Blockchain Hashing

Maligayang Pagbabalik sa Flash Learn Series!

 

Pagkatapos kayong maturuan kung ano ang Blockchain, 5 Key Expressions, tayo naman ay tutungo sa mga teknikal na bahagi ng natatanging Blockchain Technology. Ang unang bagay na ating paguusapan ay ang Hashing!

Tayo na’t magsimula!

Ang pambihirang katangian ng Blockchain ay nasa kakayanan nitong mag-record o tala ng data, at i-link Ito sa isang chain, na siyang nagbibigay daan upang ang mga indibidwal na transaksyon ay naka-link at di na mababago sa loob ng chain. Ang pundasyon ng teknolohiyang ito ay ang Hashing.

 

Ang Hashing ay kumukuha ng data ng kahit anong sukat, at binabago ito sa isang data na may nakaatang ng sukat sa pamamagitan ng isang mathematical algorithm. Halimbawa, sa Bitcoin ang chain transactions ay pumapasok sa isang Hashing Algorithm (SHA-256) na nagbibigay ng nakapirming sukat na 256 Bits. Kung ang datos ay mas maliit, ang Hashing Algorithm ay dinadagdagan ito upang makamit ang nakatakdang sukat, at kung ito naman ay mas Malaki sa 256 Bits, pinuputol naman ito sa Tamang sukat. Ang Blockchain ay gumagamit ng cryptographic hash functions, at ito ay may apat na katangian na nagbibigay seguridad sa paggamit nito:

  1. Same input = same hash value. Hindi posibleng gumawa ng dalawang magkaibang hashes mula sa parehas na input, Hindi rin maaring magkaroon ng magkakaibang hashes mula sa parehas na
  2. Kapag binago ang input nababago din ang hash
  3. Mabilis na nakakagawa ng hash para sa kahit anong mensahe.
  4. Hindi nalalaman ang input base sa value ng Tulad ng hindi magkamukang encrypted na mensahe sa taas, hindi mo maaring malaman ang orihinal na mensahe mula sa encrypted na format nang walang key.

 Sa pamamagitan ng Hashing maari mong maberepika ang katotohanan ng kahit anong datos – kung ang datos na meron ka ay nakakagawa ng isang hash, at ang isang datos ay nagbibigay ng hash, ang dalawang ito ay hindi magkapareho. Kung hash ay parehas, ang datos din ay magkamuka.

Ang mga Hash sa Blockchain ay kumakatawan sa estadong mayroon ang chain sa panahong iyon. Ang bawat block ay konektado sa mga Hash ng mga naunang block.  Dahil nadin kumakatawan ang hash sa lahat ng block na konektado dito, ito ay nakasama sa koneksyon ng buong chain.

 

Ang mga hash ay konektado sa isang straktura ng mga datos na tinatawag Merkle-tree.

Ang Merkle Trees ay nilikha sa pamamagitan ng pares ng hash Nang paulitulit, hanggang magkaroon ng isang hash na matitira. Ito ay ginagawa mula sa baba pataas mula sa mga hash ng inidbidwal na transaksyon, o leafs.

 Ang Merkle Root ay ang nagiisang hash na siyang nagbibigay ng buod sa lahat ng mga datos, at sa pinakataas ng tree, ay makikita ang lahat ng hashes na ilalim nito. Ang bawat indibidwal na sangay ay maaring ma-download, ngunit kung ito ay mababago, mababago din ang buong Merkle Tree at Root.

Ang Merkle Tree ay nagbibigay ng mabisang Paraan upang matiyak na tunay ang mga datos, at tama ang mga ito, at nangangailangan lamang ito ng maliit na memorya at computational power. Ang Merkle Tree ay tumutulong din upang matiyak na lahat ng naunang transaksyon sa Blockchain ay natala, at ang shared ledger ay kompleto, hindi nabago, at nasa Tamang pagkakasunod.

 

Imahe mula sa Wikipedia

Gamit ang hashing na teknolohiya, maari nating maintindihan kung papaano nga ba nagagawa ng Blockchain ang mga sumusunod:

  • Pagsama-samahin ang maraming impormasyon sa mas maliit na straktura o porma.
  • Ang pagkonekta ng mga datos sa isa’t-isa
  • Magbigay ng seguridad sa pagimbak ng impormasyon sa hash format imbis na gamitin ang orihinal nitong

 Para sa mas madaming mathematical background sa hashing nirerekomenda namin na tignan at suriin ang eksplanasyon na ito mula sa aming mga kasama sa Blockgeeks.

 Ito ay ang nagiisang bahagi ng mahika sa likod ng Blockchain! Manatiling nakaantabay para sa susunod na linggong Flash Learn at ating tatalakayin ang Publick Key Cryptography.

 Ibahagi ang bagong kaalamang ito na tungkol sa nakakamanghang teknolohiya sa iyong mga kaibigan, katrabaho, anak, kapitbahay, twitter followers, facebook friends, sa iyong dentista, abogado, kasama sa kulungan at iba pa!

Huwag kalimutan na Sundan ang Blockchain Flash News para sa karagdagang kaalaman at impormasyon sa Mundo ng Crypto gamit ang iyong gustong media at para sa kahit anong katanungan, maaring magkomento sa artikulong ito sa baba!

 

 

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement