bitcoin

Ano ang Bitcoin?

 

Ang Bitcoin ay gumagamit ng peer-to-peer technology para Gumana nang walang sentral na awtoridad o bangko. Ang pagbabantay at pamamahala ng transaksiyon at ang pag-issue ng bitcoin ay ginagawa ng mga network ng sama-sama. Ang Bitcoin ay open-source, ang disenyo nito ay pwedeng makita ng publiko, walang nagmamay-ari o kumokontrol sa Bitcoin at ang lahat ay maaring maging bagahi o magkaroon ng Bitcoin. Dahil na rin sa natatanging bahagi, ang Bitcoin ay may malaking potensiyal na hindi mo makikita sa mga nauna nang sistemang pangpinansyal. Ang supply ng Bitcoin ay limitado lamang – 21,000,000 Bitcoins.

 

Ang Bitcoin ba ay magtatagal?

 

Bagamat nagkaroon ng Biglaang pagtaas ng presyo at pati nadin pagbaba, nagkaroon parin ng lehitimo itong Bitcoin sa mga investors and ito ay magtatagal, ayon kay Spencer Bogart, isang partner at head ng research sa Blackchain Capital.

 

Ang Bitcoin ba ay isang bubble?

 

Ayon sa mga economists ang Bitcoin ay isang bubble, ngunit ayon naman sa mga eksperto ng Bitcoin ito day ay hindi. Mayroong mga panahon kung kailan nagkaroon ng mga pagkukulang o pagbaba sa presyo ang Bitcoin pero sa kabuuan, ang Bitcoin ay mayroong kalamangan sa teknolohiya at sa abilidad nitong malipat ng direkta sa bawat isa (peer-to-peer) sa isang decentralized ledger

 

Paano nga ba nagbabago-bago ang presyo ng Bitcoin?

 

Ang presyo ay nagbabago base sa presyo na ipinapataw ng mga tao dito. Kung kaya’t pag ang market ay tumataas ang mga tao ay pumapayag na magbayad ng mas malaking halaga at pagkanaman biglaang bumaba ang mga tao ay papayag din magbayad ng mababang presyo para sa mga Bitcoin.  Dahil nadin ito ay hindi isang korporasiyon, walang rin itong corporate balance sheets, walang gastos, at walang kita para makagawa ng baseline na pwedeng maikompara sa ibang cryoptocurrency

 

Ano ang nagtutukoy ng presyo ng Bitcoin?

 

May ilang mga bagay na kelangan ikonsidera na siyang umiimpluwensiya sa presyo ng Bitcoin: Ang kabuuang Supply at ang market demand. Ang bilang ng kalabang cryptocurrency. Ang exchanges kung saan ito kinakalakal. Ang katawan na siyang gumagawa ng mga regulasiyon at namamahala internally ng Bitcoin.

 

Legal ba ang Bitcoin?

 

Ang legalidad ng Bitcoin ay iba sa bawat bansa at karamihan dito ay di parin natutukoy ang estado ng Bitcoin sa kani-kanilang bansa. Karamihan ng bansa ay hindi illegal ang paggamit ng Bitcoin at ang estado nito bilang pera o kalakal ay magkaka-iba, at mayroong iba’t-ibang implikasyon sa regulasyon. Ang ibang bansa ay maliwanag na pinayagan ang paggamit at pangagalakal, ang iba naman ay pinagbawal o hinigpitan ito.

 

Safe ba ang Bitcoin?

 

Dahil sa mga kwento ng million-dollar-hacks, hindi kilalang imbentor sa likod ng Bitcoin, at mga scam na ICOs, maaring napapaisip ka kung safe nga ba ang Bitcoin.

 

** “Is Bitcoin safe as an investment for my money?” — Safe nga bang pag-investan ng pera ang Bitcoin?

 

Sa katotohanan, ang Bitcoin ay mas may kasiguraduhan o mas safe at secure kung ikukumpara mo sa ibang financial systems. Ang Blockchain architecture ay hindi maaring ma-hack. Ang pinaka-malaking banta sa iyong investment ay hindi ang network mismo, kung hindi ang pabagu-bagong presyo. Nang mas dumami pa ang gumagamit ng Bitcoin at iba pang Blockchain technology ang presyo nito ay mas matatag.

 

Worth it nga bang minahin ang Bitcoin?

 

Ang pagmimina ng Bitcoin ay maaring magbigay ng malaking kita ngunit ito rin ay maaring magdala ng malaking talo. Ito ay dedepende sa presyo ng Bitcoin. Ang paglabas ng ASICs ay nag-gawa nang mas malaking kumpetisiyon at ito ay nagdulot ng mas malalang pagbagu-bago ng presyo at panganib, kesa sa Bitcoin mismo. Ang Ilan sa mga bagay na dapat mong ikosidera pag ikaw ay magmimina ng Bitcoin ay ang hirap ng mining algorithm and kung gaano kamahal ang binabayaran mong kuryente.

 

Maari bang mahack ang Bitcoin?

 

Ang Bitcoin mismo ay hindi maha-hack ngunit ang kanya-kanyang wallet ay maaring ma-hack at ang Bitcoin na laman nito ay maaring manakaw. Ngunit ang kinaganda ng Bitcoin ay ito ay isa sa mga pinaka-secure na networks, kung hindi ito ang pinaka, sa buong mundo.

 

**Fun fact: The network has now about 70 000x more computing power than the top 500 supercomputers combined while using only half the energy. — Isang fun fact: Ang network ngayon ay mayroong 70,000 times na computing power kumpara mo sa pinagsama-samang top 500 supercomputers at ito ay nangangailangan lamang ng kalahating enerhiya.

 

Maari bang ma-trace ang Bitcoin?

 

Ito ay maari talagang ma-trace dahil nadin ang Bitcoin ay gumagana sa isang pampublikong transparent ledger, kung kaya’t ang natatanging kriminal na gumagamit nito ang hindi maaring madefined ng malinaw. Dahil nadin dito kaya’t karamihan sa mga kriminal sa mundo ay pinipili pading gumamit ng US Dollar sa kanya-kanyang transaksiyon.

 

Maari bang mag-crash ang Bitcoin?

 

Ang pinaka-paboritong bagay ng Bitcoin ay ang mabilisan nitong pagtaas at pagbagsak. At ang mga nagmamatiyag sa pagbagsak nito ay ang mga taong nagi-isapalan. Para sa mga taong tunay na nakakaintindi ng Bitcoin, sa teknolohiyang ginagamit nito, at sa mga pagbabagong hatid ng Bitcoin, sinasabi nilang naka-sale lamang ang bitcoin pagito ay bumagsak. Mayroon nga namang kasabihan sa ingles – “Buy the *#% dip. So, when it crashes just buy the dip.”

 

Maari bang mahinto at masara ang Bitcoin?

 

Ang pundasiyon ng Bitcoin ay tinatawag na Bitcoin Nodes. Ito ay mga computers na naka-kalat sa buong mundo na maaring mag-confirm ng mga transaksiyon na naka-store sa Blockchain.  Kahit sino ay maaring maging Bitcoin node sa pamamagitan ng pag-gamit ng Bitcoin core client sa kanilang Personal Computer (PC)

 

Para masara ng tuluyan ang network, lahat ng nodes ay kinakailangan masira o makompromiso. At pag-may isang kopya ng Blockchain na maliligtas, ang network nito ay posibleng magawang muli. Sa ngayon, mayroong 10,400 nodes sa buong mundo (maari mong makita ang real-time count sa Global Bitcoin Nodes Distribution) at maaring makagawa ng Bagong nodes kelanman, lalo na’t ang Bitcoin ay nanganganib.

 

Maari bang ma-regulate ang Bitcoin?

 

Oo. Ang Bitcoin ay maaring ma-regulate at ito ay nangyayari na sa ilang market o bansa. Ang ibang tao ay iniisip na ito isang klase ng paga-ari, ang iba naman ay iniisip ito ay isang kalakal, iba naman ay iniisip na ito ay klase ng pera, at ang iba ay ito ginagamit pang-seguridad.

 

Maari bang lagyan ng buwis ang Bitcoin?

 

Oo. Maaring lagyan ng Buwis ang Bitcoin. Ito ay magdedepende sa kanya-kanyang bansa. Kaya’t kelangan mong maintindihan na kelangan mong bantayan ang legislation o mga batas na nasagawa para ikaw ay makapag-hawak ng bitcoin.

 

Maari ba talagang mahit ng Bitcoin ang $100,000 per coin na presyo?

 

Oo! Maaring ma-hit ito ng Bitcoin sa December 2018. Maraming estima tulad ng pinakabagong ginawa ni John McAfee na nagsabi may potensyal na maabot to ng Bitcoin, ngunit ang iba naman ay ini-estima na ang Bitcoin ay aabot ng $250,000 ng taong 2022, ayon sa huling preksyon na ginawa ni Tim Draper, ang parehong tao nagpredict na ang value ng Bitcoin ay papalo sa $10,000 ilang taon na ang nakakalipas.

Pindutin ito (LINK bitcoin price) para sa presyo ng Bitcoin

 Pindutin ito kung gusto mong malaman kung (LINK paano gumagana ang Bitcoin)

 

 

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement