Smart contracts
Smart contracts

 

Maligayang Pagbabalik sa Flash Learn!
Ating saliksikin ang Smart Contracts

 

Ang Smart Contract ay isang kontraktwal na kasunduan na naisulat para maisapatupad gamit ang isang software. Hindi tulad ng isang tradisyonal na kontrata kung saan ang mga partido ay humahanap ng pagkilos ng pagkukumpuni sa pamamagitan ng ligal na sistema, ang Smart Contract ay naipapasatupad nang sarili (maari ding nasasakatuparan nang sarili), depende ito sa mga kasunduan, na nababantayan gamit ang isang software, ay nagawa.

 Ang mga Smart Contracts ay nakasulat gamit ang computer coding languages, at ito ay nakalagay sa taas ng Blockchain. Naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon tulad ng patakaran, criterion, termino ng hangganan, at lahat ng mga kondisyon na kelangan maisagawa para sa pagpapatupad nito. Ang smart contract ay umiiral sa isang natutukoy na pamamaraan – na kung saan kapag ang isang kundisyon ay naisagawa na, makukumpleto ang nakatakdang aksyon.

 Maaring gamiting ang imahinasyon para sa nabigay na depenisyon ni Don Tapscott: 

“Ito ay isang kontrata na maaring mapatupad magisa nang walang namamagitan na kahit sino o anong mang institusyon, at ito ay mayroong sariling sistema ng pagbabayad na maaring maihalintulad sa isang kontrata na mayroong sariling abogado, gobyerno, at bangko.”

Ang terminong Smart Contract ay hindi na bago. Ito ay nilikha ni Nick Szabo noong 1994 sa kagustuhan niyang lubos na mabago ang mga nakagawiang pagsasapatupad ng batas ukol sa mga kontrata at maumpisahan ang pagdisenyo ng iba’t-ibang e-commerce protocols sa pagitan ng mga estranghero sa internet.

 

Isang napaksimpleng halimbawa ng Smart Contract:

 

Si John at Bob ay nagdesisyon na magpustahan. Sinabi ni John na siya ay magbabayad ng 1 Bitcoin kay Bob, kapag umulan sa desyerto ng Sahara. Ang mga sumusunod na kondisyon na man ay malilista sa Blockchain: ang ulan ay dapat lagpas 5mm, at sila ay magtatalaga ng mga alituntunin ng Sahara  na may kaakibat na eksatong lokasyon sa mapa. May kasama din itong isang meteorological na estasyon bilang isang oracle na siyang naglilista ng pagulan sa Blockchain. Sa pagkakataong na ang natalagang eksatong lokasyon sa mapa ng Sahara ay makakatanggap ng 5mms na ulan, 1 Bitcoin ang awtomatikong malilipat kay Bob mula kay John.

 Ang Smart Contracts ay lalong pinagtitibay ang decentralized ledger: dahil bukod sa pagrerehistro ng mga transaksyon, ang Smart Contract ay awtomatikong pinatutupad din ito habang nagbibigay ng kalidad na patas, mabuti, at may tiwala. Ang lahat ng transaksyon at mga naunang kontrata ay nakatago sa Blockchain, kung kaya’t meron itong seguridad laban sa mga tao o institusyong nais manipulahin ang mga datos. Nagbibigay din ito ng patas na karapatan para sa mga partidong may kinalamana sa kontrata nang walang kahit panganib na magkakaroon ng Kanya kanyang interpretasyon ng mga kondisyon ang mga tao o institusyong kasama sa kontrata. Ang resulta ng Smart Contracts ay naisasapatupad,  at hindi puwedeng iwasan ang mga obligasyon. Dahil nadin mayroong smart oracles, na siyang nagbibigay depinisyon kung maari bang maisakatuparan ang natalagang kondisyon, mga legal na partido, ang mga transaksyon na may smart contracts ay maaring mapadali at mas maging mainam pagdating sa pinansyal na aspeto.

Pagdating sa seguridad Smart Contract malayo na ang ating narating. Ang komplikasyon pagdating sa ginagamit ng programming languages at ang bagong ideyang ito ay nagdala ng malaking problema sa sistema noong nagsisimula pa lamang ito – tulad nalang ng halimbawang ito DAO hack noong 2016 na nagkakahalaga ng $70M.

Maari nating sabihin na ang tangkang pagatake na ito ay resulta dahil narin baguhan ang lahat sa mundo ng blockchain, at mayroon namang magandang pagbabago na siyang darating sa smart contract. Ito ay isang malaking responsibilidad – dahil nadin mayroong malaking kaibahan ang mga agreement o kontrata na maaring maintidihan ng computer at kontrata o agreement na maaring maintidihan ng tao. Sa mundo ng mga tao, maraming mga bagay ang siyang nakabase o depende sa Kanya kanyang interpretasyon, at ang mga kontratang ito ay maari lamang maging epektibo kapag pareho ng interprestasyon ang mga tao o partidong kabilang sa kontrata. Ang mga computers naman ay nangangailangan na ang bawat detalye sa kontrata ay nakasaad para maisakatuparan ang kontrata.

Ang mga Smart Contracts ay patuloy na umuunlad dahil mas madami nang decentralized applications na mayroong smart contracts ang siyang isinasagawa sa mga malalaking network para sa pagpapaunlad ng Ethereum.  Mayroon ding mga Blockchain na siyang naperpekto ang katangiang ito, at mga aplikasyon na siyang ginagawang magaling ng smart contracts. Ang mga Smart Contracts ay binigbigyan tayo ng mga kamangha-manghang pagbabago sa hinaharap at ito ay importanteng bahagi ng gamit ng Blockchain.

Ano sa tingin mong ang mga maaring palitang kontrata ng Smart Contracts? Ano ang mga Smart Contracts s iyong mga paboritong apps? Ano ang iyong nais gustong malaman tungkol sa teknolohiyang ito?

Ipagbigay alam samin?

Maraming salamat sa pagsubaybay sa isa na namang yugto ng Flash Learn dito sa Blockchain Flash News!

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement