Ang sagot sa tanong ay basic ekonomiks. Ang isang bagay ay may halaga kung ang ito ay sumusunod sa dalawang criteria: Kakulangan(scarcity) at pangangailangan(utility). 

Ang kakulangan ay nangangahulugan na ang supply ay may hangganan, at sa kaso ng Bitcoin, mayroong isang set cap sa bilang ng mga bitcoins na maaaring magexist: 21 milyon.

Sabi ni Ben Yu, isang blockchain expert na nakatira sa San Francisco na itong set cap ay nagbibigay katangian sa bitcoin na maging kaakit-akit kaysa kahit anong klase ng asset kahit na gold.

“Maaari tayong magkaroon ng mga bagay tulad ng California Gold Rush kung saan ang mga tao ay nakahanap ng isang napakalaking supply ng ginto sa isang lugar mula sa isang aksidente, na maaring makaapekto sa pagdagdag ng supply, o ang paglabas teknolohiya na nag papadali sa pagmina ng ginto. Kaya alam natin, na ngayon ay nagmimina tayo na apat na beses na mas mabilis kaysa sa daang taon nakalipas.

Kung ang bitcoin ay pumapasok sa kriteria ng kakulangan(scarcity) pano naman ang pangngangailangan(utility)?

 

Ang pangangailang ng Bitcoin ay namamalagi sa potensyal nito na maging mas efficient sa pera o commodity na mayroon na tayo. Sinasabi ng mga tagapagtaguyod na kapaki-pakinabang ito sa iba’t ibang dahilan:

  1. Ito ay decentralized: Ibig sabihin na walang banko, gobyerno or isang tao ang may kontrol dito.

2.   Ito ay divisible: ibig sabihin ay pde ka bumili ng doughnut sa  papamagitan dito at kasing bilis ito ng pagbili mo ng bahay o mansyon.

“Habang ang gold ay mahirap gamitin sa isang transacsyon, hindi ka pwedeng pumunta sa isang store, at pwede mong ishave ang iyong gold para pambayad sa isang kape or pagbili ng kotse.”

3. Ang code ay open-source, ibig sabihin ay available Ito para sa lahat para tingnan, siyasatin, at  baguhin.

“Wala sa mga gamit nito ang intrinsic at ito ang dahlian ng pagdududa at usap-usapan”

Sabi nga ni Warren Buffet “Ang idea na isang bagay ay mayroon mataas na intrinsic value ay isang joke.”

Ang iba pang mga ari-arian at currency na pinagkakatiwalaan natin tulad ng ginto at papel na pera ay wala rin masyadonng intrinsic value. Isang halimbawa, ang dollar bill. Ayon sa Federal Reserve, nagkakahalaga ng 12 cents upang lumikha ng isang 20$. Ang natitirang $ 19,88 ay nagmumula sa mga taong pinagkakatiwalaan ito. Kaya na tiyak na pareho sa Bitcoin, FIAT currency, o iba pang mga uri ng pera, ay batay lamang sa mga taong nagtitiwala dito.

Sabi ni Tom lee, managing partner at head ng research sa Fundstrat Global Advisor na ang bitcoin ay naiiba sa Facebook o Google

“Kapag nagtanong ka sa isang baby boomer, kaya mo bang ipaliwanag ang halaga ng digital business? Marahil ay hindi nila tinanggap ang Facebook, Google, Netflix, Amazon o Apple. Ito ang pinakamalaking kumpanya sa SP500, at ito ay primarily digital businesses na gawa mula sa digital trust.”

 

Magkano ang pwedeng halaga ng isang bitcoin?

 

Nakikita natin lagi sa TV ang mga tao gumawa ng predictions. Pero ang tanong ay pano nila nakukuha ang mga numerong ito?

Marami sa kanila ay pinaghahambing ang bitcoin sa ginto dahil nakikita nila ang pagkakatulad ng dalawang asset. Ang kabuuang halaga para sa lahat ng ginto na namina sa buong mundo ay $7.5 trilyon. So kung papalitang bitcoin ang gold, ang potential value nito ay $357,000. Kung gusto mo ng mas realistic at kung makukuha lang ng bitcoin ang 5% na value ng gold market. Ang potential na presyo nito at $25,000 kada isang coin.

Ang Meltcafe law ay isa pang teorya na ginagamit ng mga analyst upang matukoy ang halaga ng bitcoins.

Si Meltcafe ay isang electrical engineer, na pinatunayan ang value ng isang social netowrk or telecom company ay proportional sa bilang ng users nito. Pwedeng mong isiping ito sa ganitog paraan.

Ang isang telephone ay walang silbi, pero tataas ang value ng telephone exponentially habang mas madaming tao ang nakakakuha ng telephone.

Ang meltcafe law ang humawak sa paggamit ng data ng facebook sa nakalipas na sampong taon at sabi ni Tom lee ito rin ang humahawak ng value sa Bitcoin.

“Mula noong 2013, 94% ng halaga ng bitcoins ay naipaliwanag sa pamamagitan lamang ng dalawang variables.

Sa huli, ang presyo ng bitcoins ay nakasalalay sa pangangailangan nito. Kung ang tao ay naniniwala sa potential nito at kung magpatuloy tuloy ang pagbili kaysa sa pagbenta nito, ang presyo nito ay tataas, at sa kabaliktaran, kung ang Bitcoin ay benta higit sa ito ay binili, ang presyo ay baba.

Louise Ivan

Digital Polymath in the Making ?

View all posts

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement