Oras na para sa isang mabilis na kaalam, o Flash Learn Time!

Humanda na para sa panibagong kaalaman tungkol sa Blockchain at mag-enjoy!

 Ang Blockchain ay talaga namang pinapantayan ang mga inaasahan ng tao dito, lumalabas ito kung saan-saan kahit saan ka man lumingon. Ngunit, ano nga ba ang Blockchain?

Sa panibagong yugto ng ating Flash Learn na serye, kada-linggo, tuturuan namin kayo ng mga kaalamang dapat mong malaman tungkol sa Blockchain Technology. Tayo ay tutungo upang matuklasan ang mga teknikal na bahagi ng Blockchain, gamit nito, mga malalaking potensyal, crypto at marami pang iba!

 Ano pang inaantay natin, simulan natin sa unang hakbang at tayo ay kumuha ng pangunahing eksplanasyon kung ano nga ba ang Blockchain.

Sa madaling sabi:

Ang Blockchain ay isang shared ledger o isang listahan na kung saan nakasaad ang mga transaksyon sa pamamagitan ng isang block, na naka-lock sa wasto nitong pagkakasunod-sunod at pinoprotektahan nito sa pamamagitan ng criptograpiya o cryptography.

 Kung atin itong bubusisain:

Ang Blockchain ay para isang pangkaraniwang rehistro ng mga transaksyon, na ginagamit at nakikita ng lahat ng miyembro o gumagamit nito. Ang mga Blocks ay mayroong mga partikular na transaksyon, at ang bawat bagong block ay konektado sa mga nauna ng blocks.

Ang mga transaksyong narehistro o nalista sa Blockchain ay immutable – ito ay di mababago, dahil kung babaguhin mo ang isang transaksyon ka-kelanganin mong baguhin ang buong chain o mga nauna nang transaksyon.

Ito ay isang peer-to-peer network, ibig sabihin walang sentral na awtoridad o institusyon na siyang kumokontrol at nagrerehistro ng mga aktibidades.

Ang mga peers  o computer nodes na nasa Blockchain ay pumapayag sa pamamagitan ng consensus mekanismo kung saan ang mga transaksyon ay wasto, at maaring marehistro sa chain.

Smart Contracts ay maaring mai-code sa blockchain, na nagbibigay ng pagkakasundo nang walang third-party o tagapamigitan.

Ito ay gumagamit ng hash function – na pinapalitan ang mga data na may kahit anong sukat para magkaroon ng nakapirming sukat at nirerehistro ang transaksyong ito sa isang hash format.

 Para mas lalo pang maintindihan ang Blockchain sa Loob ng 20 minutos, panoorin ang kamangha-manghang Ted Video ni Don Tapscott:

Pakiramdam mo ba na mas lalo mong naintindihan ang Blockchain?

  • Kung Oo, magaling! Proud kami sa’yo!
  • Kung hindi naman, wag mag-alala! Lahat ng ito ay hahatiin pa ng ilang parte upang mas madaling maintindihan

 Sa susunod na linggo, tatahakin naman natin ang 5 Key Expression sa mundo ng Blockchain ang iba din dito ay nabanggit na sa taas!

Mag-sign up na para sa aming Flash Learn at manatiling nakatutok at naka-abang!

Add comment

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Advertisement